May kausap ako sa Abad Santos. Sa Monumento na ako dumaan, doon sa buhul-buhol na trapiko ng mga dyip at kotse, sa tapat ng bagong ga-higanteng grocery ng SM. Dati siyang mall ng Gotesco, nabenta na din sa kapwa intsek. Diretso ako sa Avenida, hanggang masabit ako sa traffic sa 9th Avenue, may nasagasaan daw na kariton, pinupulot pa ang mga paninda. Pinitik ko ang yosi ko mula sa bintana ng sasakyan ko, tumama sa poste sa tapat ng magdidiyaryo. Naalala ko tuloy yung lumang barberya na nakatayo doon dati, pati ang barbero na gumugupit sa buhok ko nung bata pa ako. Habang hindi umaandar ang sasakyan ko, umaandar naman ang isip ko, tumitingin ako sa paligid ng 9th Avenue. Mabilis ang pasok ng mga ala-ala sa aking utak, parang mga tuyong dahon na hinipan ng hangin at nagliparan sa mga mata ko, papunta sa ulap. 1972. Naalala ko, siguro mga anim na taon pa lang ako noon. Ang suot ko sa tuwing nagpupunta sa barberya ay puting sando at asul na ...
Coronavirus COVID-19 Pandemic. First day of the unprecedented Metro Manila Lockdown. A city in chaos, confusion and fear. Kaninang umaga, ika-15 ng Marso, 2020. Alas diyes. Isang malaking trak na kulay bughaw ang biglang pumarada sa tapat ng gate namin. Maingay ang huni ng makinang diesel, nagbuga ng maraming usok, nagmistulang ulap. Sumilip ako mula sa siwang ng gate at nakita ko ang mga taong pawang naka-overalls, naka-bota at nakasuot ng mga face masks, palapit sa gate. Kumatok, sumigaw ng, "Tao po, tao po!" Nagtaka ako. Nagulumihanan. Sino ang mga taong ito? Ano ang sadya nila sa tahanan ko? Ayoko sanang buksan ang gate pero dinaig ako ng curiosity ko. Tinanggal ko ang tarangkahan ng gate at binuksan. Nagsalita ang isang tao, naka-face mask, sabi niya: "Bos, Maynilad lang. Magpapasipsip ba kayo ng tae?" Sisipain ko sana yung tao, buti na lang nakapagtimpi ako!