Hindi pa sumasapit ang Semana Santa nang maisip ko ang isyu na ito. Nagising na lang ako isang umaga taglay ang mapanghing realisasyon na idinulot unti-unti ng nagbabagong teknolohiya na kung tawagin ng mga teknorata ay social media -- ang pagsasa-himpapawid ng tamis, asim at pait na iniaalay nito, tumutulay sa mga kurdon ng kultura at relihiyon.
Sa ibaba ay makikita natin ang "Mga Pitong Mapanganib at Nakamamatay na Kasalanan" o sa wikang Ingles, "The Seven Deadly Sins". Ang mga ito ay isang klasipikasyon at pag-uuri ng mga hindi kanais-nais at nakakahindik na bisyo ng tao na ginamit diumano ng mga sinaunang Kristyano para turuan ang sanlibutan na lumayo sa pagkakasala.
LUST - Ang kalibugan ay di lamang ukol sa makamundong pagnanasa ng katawang lupa, bagkus ay pagnanasa din para sa kuwarta, katanyagan at kapangyarihan.
GLUTTONY - katakawan at pagdaramot; ang sobrang pagnanais sa pagkain at pagwawaldas nito, na kadalasang nagdudulot ng kawalan para sa mga nangangailangan.
GREED - sobrang pag-ibig sa materyal na posesyon; ang pagnanakaw, panlalamang sa kapwa, manipulasyon ng mga awtoridad ay manipestasyon din ng pagka-gahaman.
SLOTH - katamarang pisikal at espiritwal; ang pagwawalang-bahala sa mga dapat gawin na wasto, daan tuloy nito ay ang pagpasok ng kademonyuhan sa sarili.
WRATH - galit at paghihiganti; galit, sa kanyang pinakadalisay na porma, katampalasanan, karahasan, at poot na nagiging sanhi ng alitan.
ENVY - pagkainggit; katulad sa selos na nababalot ng pakiramdam ng kawalang-kasiyahan patungkol sa kanyang sariling ugali, katayuan, kakayahan, o premyo. Kadalasang dulot nito ay hindi makontrol na pagnanais at pagiimbot.
PRIDE - kayabangan at pagmamagaling; isinasaalang-alang bilang siyang orihinal at pinaka-seryoso sa mga pitong nakamamatay na kasalanan, at ang pinagmulan ng iba pa. Ito ay nakikilala bilang isang pagnanais na maging mas mahalaga o kaakit-akit kaysa sa iba, ang pagtangging kilalanin ang mabuting gawa ng iba, at ang labis na pag-ibig ng sarili.
Pagninilay-nilay. Paggunita. Pagdambana. Pagdalangin.
Ang pag-asa na nawa'y hindi ka bumulusok sa patibong ng pulot-gata ng kalabaw at Kristyanismo.
Wakas
Comments
Post a Comment