Mandaluyong, Edsa.
Miyerkules, alas otso ng gabi.
Sa loob ng isang pampublikong ordinary bus.
Malakas ang buhos ng ulan. Pantay-tuhod na ang tubig-ulan na nagpapasikip pa lalo sa trapiko. Nakaupo si Jonjie sa likod ng driver ng bus na gaya niya ay pawisan na rin mula sa alinsangan na dulot ng pagkakasarado ng mga bintana. Nakakadagdag pa ang init ng makina na nasa bandang paanan ni Jonjie na napapaubo dahil sa walang puknat na paninigarilyo ng driver.
Iniwan niya ang pinapasukang opisina sa Makati bandang alas-singko ng hapon kanina. Heto't alas-otso na ay wala pa siya ni kalahati ng biyahe pauwi sa bahay niya sa may Monumento, Caloocan. Gustuhin man niyang mag-FX o aircon bus ay hindi pupuwede. Minimum lang ang sahod niya at naka-badyet ang allowance niya sa pang araw-araw na gastusin.
"Tang-ina, maliit na nga suweldo, grabe pang makatambak ng trabaho si boss. Tang-inang tabatsoy 'yan!" bulong ni Jonjie sa sarili niya.
"Heto pa ang isang gunggong. Ang init na nga dito, ayaw pang tigilan ang paninigarilyo!", sambit niya sa sarili niya habang nakatingin siya sa driver.
Lumingon siya sa bandang likuran niya. Kaunti na lang ang mga pasahero, wala nang sampu. Nagsibabaan na siguro ang iba, nagtiyagang maglakad na lang bunsod ng matinding sikip ng trapiko. Tumayo siya at nagtungo sa likuran, naupo sa tabi ng bintana. Binuksan niya ito ng bahagya, nilanghap ang sariwang hangin mula sa labas. Dito, malayo siya sa driver na naninigarilyo. Iginala niya ang paningin sa bahaging iyon ng bus. Walang tao sa lugar niya, ang natirang pasahero kasi ay nasa bandang harapan lahat. Mayamaya ay nasipat ng mga mata niya ang isang babaeng nakaupo sa gilid niya. Matama niya itong tinitigan.
Maganda ang babae. Bata, higit bente lang siguro. Mahaba ang itim na buhok na lumalapat sa mga mapuputi nitong balikat. Nakasuot siya ng puting blusa na basang basa na ng pawis, humahapit sa katawan niya na siyang ikinabakat ng suot nitong itim na bra. Napansin niyang nakabukas ang dalawang butones mula sa pagkakahugpong. Maaaring binuksan ito ng babae para pahintulutang makapasok ang kaunting hangin sa mga suso nito. Mga susong nakatayo na hindi man kalakihan ay parang nageenganyo kay Jonjie, tila masarap na pagkaing nagpapalaway sa kaniya. Ibinaba niya ang tingin sa mga mapuputing tuhod ng babae na sumilip mula sa maiksi nitong mini skirt na pula. Perpekto ang mga tuhod. bilugan at makikinis. Nakaramdam si Jonjie ng paninikip ng kanyang pantalon, tumibok ang pagkalalaking nakapaloob dito. Naramdaman niya, naaakit siya sa babaeng pasahero.
"Zzzzzzzzzzz...", hilik ng babae.
"Tulog siya!", naghuhumiyaw na ngayon ang diwa ni Jonjie!
Nagising ang natutulog na demonyo sa katauhan ng binata. Nais niyang tabihan ang babae. Nais niyang damhin ang balat nito, malanghap ang hininga. Pinawisan ng malagkit si Jonjie, tumulo ang pawis sa kanyang mga mata. Ngunit hindi niya ito inalintana. Wala siyang maramdamang hapdi. Ang tangi niyang nadarama ay isang kati. Kating kailangang kamutin.
Hindi niya alam kung paano, pero nakita na lamang niya ang sarili na nakaupo sa tabi ng babae. Nilalanghap niya ang pawisang leeg, nakasilip sa nakabukang blusa nito. Dumadagundong ang tibok ng puso ni Jonjie, napakabilis kaysa sa normal. Ipinatong niya ang nanginginig na kamay sa tuhod ng babae, dinadama ang lambot at kinis nito. Pinagmasdan niya ng maigi ang mga hita, inilipat ang kamay dito. Malambot. Mainit.
"Zzzzzzzzzzzzzz...."
Tulog na tulog ang babae. Idinuduyan ng lakas ng buhos ng ulan.
Naging mas agresibo si Jonjie. Isinuot niya ang kamay sa loob ng pulang palda at hinimas ang makinis na hita. Sadyang napakalambot, napakakinis nito. Itinulak pa niya ang kamay sa kaloob-looban ng palda hanggang madama niya ang manipis na telang tumatabing sa pagkababae nito. Dinama ang kaselanang bahagya niyang piniga.
Dumadagundong ang tibok ng puso ni Jonjie.
Sinungkit ng kamay niya ang gilid ng panty at hinipo ng gitnang daliri ang ari ng babae. Ipinasok sa loob.
Dumadagundong ang tibok ng puso ni Jonjie.
Mas malalim. Labas-masok.
Dumadagundong ang tibok ng puso ni Jonjie.
Labas-masok.
Dumadagundong ang tibok ng puso ni Jonjie.
Humugot ng malalim na buntong-hininga ang babae, ibinuka ang namamasa at mapupulang labi, tila tumutugon sa mapangahas na daliri ni Jonjie. Inilapit ng binata ang mukha at nadama niya ang mainit na hininga ng babae, bahagyang nakabuka ang mga matang nakatitig sa kanya. Basa ang bibig sa laway ng pagnanasa.
Ngiti ba iyon?
Nakita ni Jonjie, ngumingiti ang babae sa kanya. Mapuputi ang mga pantay pantay na ngipin, sa likod nito ay ang mapulang dila ng babae. Ang bango, nalalanghap ng binata ang hininga ng babae.
Ibinuka pa lalo ng babae ang bibig nito. Ibinuka pa. Ibinuka pa ng husto!
Biglang naghiwalay ang bibig ng babae, tila naging bunganga ang mga panga at tumambad kay Jonjie ang mga tulis tulis na ngipin, dilaw at matatalas. Ang mga mata nito ay naging pula na tila dugo! Nagsisitayuan ang mga buhok na mala-alambre!
"HINDI!", sumisigaw ang kamalayan ni Jonjie, hindi makapaniwala sa nakikita!
Mariin na napapikit si Jonjie nang maramdaman niyang tumimo ang mga pangil ng babae sa kanyang lalamunan, nagkaputol-putol ang kaniyang mga ugat sa higpit ng pagkakasagpang nito! Sumirit ang kanyang dugo, nanginig ang katawan sa lubhang hapdi na nararanasan. Lumilipad ang kanyang isipan, hindi maunawaan kung ano na ang nangyayari. Lumalaban ang kanyang mga braso ngunit wala na itong lakas. Ibig niyang humiyaw subalit durog na ang kanyang lalamunan, pangal-pangal ng mga pangil ng babae!
Unti-unting nanghina si Jonjie, pinapanawan ng ulirat habang sinisipsip ng babae ang kanyang dugo. Alam niya, hindi na siya magtatagal. Naririnig niya ang lagutok ng kanyang mga ugat. Nagdidilim na ang paningin niya, tila nakubabawan ng maitim na ulap!
xxxxxxxxxxx
Lumakas pa lalo ang buhos ng ulan. Maingay ang tikatik, nilulunod ang ugong ng makina ng bus. Tuloy ang paninigarilyo ng salaulang driver sa gitna ng nagpapaypayang mga pasahero. Ang iba ay nakikipag-usap sa kani-kanilang mga cellphone, pilit na inaaliw ang mga sarili.
Sa estribo, may sumampang binata. Bagong sakay. Maganda ang bihis na polo at pantalon. Pang-call center ang dating. Milenyal.
Habang naglalakad sa gitna ng bus para makakuha ng upuan ay nakita niya ang isang babaeng nakatitig sa kanya. Nakasuot ng puting blusa. Maganda, maputi, mapula ang labi, mahaba ang itim na buhok. Mayamaya ay ngumiti ang babae sa kanya, lumitaw ang mapuputing ngipin.
Dahan dahang nagtungo ang milenyal na lalaki sa kinaroroonan ng babae.
Gusto niya ito. Interesado siya.
"Ang suwerte ko nga naman," bulong ng binata.
Wakas
This comment has been removed by a blog administrator.
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDelete