Coronavirus COVID-19 Pandemic. First day of the unprecedented Metro Manila Lockdown. A city in chaos, confusion and fear.
Kaninang umaga, ika-15 ng Marso, 2020. Alas diyes. Isang malaking trak na kulay bughaw ang biglang pumarada sa tapat ng gate namin. Maingay ang huni ng makinang diesel, nagbuga ng maraming usok, nagmistulang ulap. Sumilip ako mula sa siwang ng gate at nakita ko ang mga taong pawang naka-overalls, naka-bota at nakasuot ng mga face masks, palapit sa gate. Kumatok, sumigaw ng, "Tao po, tao po!"
Nagtaka ako. Nagulumihanan. Sino ang mga taong ito? Ano ang sadya nila sa tahanan ko?
Ayoko sanang buksan ang gate pero dinaig ako ng curiosity ko. Tinanggal ko ang tarangkahan ng gate at binuksan. Nagsalita ang isang tao, naka-face mask, sabi niya:
"Bos, Maynilad lang. Magpapasipsip ba kayo ng tae?"
Sisipain ko sana yung tao, buti na lang nakapagtimpi ako!
Comments
Post a Comment